Ano ang ibig sabihin ng Bitcoin?


What is Bitcoin?


Ang Bitcoin ay isang online digital na pera; ibig sabihin wala itong pisikal na anyo hindi gaya ng pera at ito ay magagastos o magagamit mo lang sa pamamagitan ng online.

Ito ang unang halimbawa ng isang lumalagong kategorya ng pera na kilala bilang cryptocurrency.

Ang pinakamahalagang katangian nito ay - Walang sino mang kumokontrol nito na kompanya, korporasyon o gobyerno. Ang mga nagpapatakbo nito ay mga boluntaryo at philatrophists sa buong mundo na naniniwalang ang Bitcoin at mga kasama nitong online currencies o cryptocurrencies ay makakagawa ng pagbabago sa usaping pang-ekonomiya.

Ang pinakamaliit na halaga mahati ay tinatawag na isang 'Satoshi' na nagkakahalaga ng 100,000,000 sa 1Bitcoin.
Saan unang nagamit ang Bitcoin?
Itong Bitcoin ay nilikha ni Satoshi Nakamoto, na nagpublish ng kanyang pag-imbento nito noong Oktubre 31 2008 sa isang mailing list cryptography sa isang research paper na pinamagatang "Bitcoin:
Ang Peer-to-Peer Electronic Cash System". Ito ay ipinatupad bilang open source code at inilabas sa Enero 2009.
Ang paggamit ng Bitcoin ay anonymous.
Ang kailangan mo lang para makipagtransact sa kabilang party ay ang Bitcoin wallet mo at Bitcoin wallet ng katransact mo - no more, no less. Kapag nagpadala ka ng Bitcoin sa kabilang party (halimbawa sa pamamagitan ng Coinbase, ipapapublish ng Coinbase ang transaction ng iyong wallet (itatago nya ang personal na impormasyon mo, walang makikitang impormasyon tungkol sa iyo) publicly tapos, ipaprocess ng mga Bitcoin miners ang iyong transaksyon at pag dumaan na sa verification at process makakarating sa pinagpadalhan mo ang Bitcoin. Dahil sa katangiang ito ni Bitcoin kaya mula noon hanggang ngayon, ito ang ginagamit bilang pagtransact sa deep web.
Ang pakikipagtransact using Bitcoin ay mabilis.
Dahil nga sa walang masyadong dadaanan ang cryptocurrency na verification, ang pagtanggap or pagbibigay ng Bitcoin ng isa sa kabila ay mabilis (sometimes it just takes seconds at nakarating na ang hinihingi o ibinigay mo)
Dahil sa pag-advance ng ating teknolohiya, ang Internet ay madali ng ma-access at ang Bitcoin ay nag-level up - dinala na ito sa Surface web.
Madami ng mga online stores at markets ang tumatanggap nito bilang bayad.
Ang pinaka pundasyon ng Bitcoin ay TIWALA.
Hindi sisikat ang Bitcoin kung hindi tatangkilkin ng mga online stores at mga kompanya kaya naman bilang pag promote nito ay gumawa ang mga ad companies at pro-Bitcoin online stores ng tinatawag na Bitcoin faucets kung saan parte ng kinikita nila ay napupunta sa mga volunteers na nagpapagana at nagpopromote ng mga online sites na pro-Bitcoin. Makakakuha ka ng pakonti-konting satoshis sa pamamagitan ng pagpromote mo sa mga online faucet sites.
Pano magkaroon ng Bitcoin na pera?
Magkakaroon ka kapag nagregister ka sa isa sa mga Bitcoin wallet sites:
Sa ating mga Pinoy, dito tayo magregister para sa online, local transactions at the same time may mga perks na ibinibigay ang site para mapromote ang paggamit sa kanya:
https://coins.ph/invite/as6via?v=2
Hindi lahat ng worldwide pro-Bitcoin companies ay recognized ang coins.ph kaya kailangan pa din nating magregister sa Internation na Bitcoin wallet sites.
Heto naman ang mga pang-international transaction:
COINBASE:
https://www.coinbase.com/join/53c9805c7102ed5270000003
Isa ito sa mga pinakamatatagal ng Bitcoin wallet sites. Halos lahat ng mga pro-Bitcoin sites sa surface web ay acknowledged nila itong site na ito.
BLOCKCHAIN:
A pioneer sa Bitcoin transaction. Halos lahat ng worldwide transactions dumadaan dito.
Kapag meron ka ng BITCOIN WALLET (kombinasyon siya ng random na letters, characters at numbers at medyo mahaba siya) puwede ka na makipag transact.
Previous
Next Post »